Peace Tumblr Themes
Excited na ako para bukas! :D

Makatulog kaya ako nito? Haha Baliw lang. Pupunta kasi kaming Showtime bukas. Studio tour namin e. Baka makita nyo ko. Hehe Naka-itim kami bukas. Mga taga-PUP-COC BBRC 1-1D. Kanina BBRC1-2 yung andun, bukas kami naman. :D Oh, yeah! Aagahan ko ang gising, ayoko maiwan e. Ang bagal ko pa naman kumilos. lol

(Source: misterangelus)



#personal #studio tour #bukas #excited!


Long Distance. - Bruno Mars

200 plays

Bruno Mars - Long Distance

LSS. :]

“I wish that you are here with me
but were stuck where we are
it’s so hard, your so far.. (so hard, your so far..)
this long distance is killing me”

(Source: misterangelus)



#Bruno mars #Long distance #LSS #audio #music


Ngayong Second Sem..

Panibagong sem na naman ang haharapin ko. lol Goodluck sakin. Kailangan ko ng baguhin ang ilan sa mga nakagawian ko nung first sem.

  • Iiwasan ko ng mahuli sa klase. Nung 1st sem, lagi akong late kapag 7:30am ang pasok. Eh 7:30am na lagi ang first class ko. Ayt! Pipilitin kong maagang pumasok para hindi na ako maipit sa trapik at mahuli sa klase.
  • Makikinig na akong mabuti sa mga prof. Pipigilan kong madistract sa kung anuman. lol Itutuon ko ang buong pansin ko sa nagtuturo sa harapan.
  • Hangga’t maaari, tatapusin ko muna ang mga assignments ko bago mag-internet. Kung sa internet naman mahahanap ang sagot sa mga assignment, sisisguraduhin kong pagreresearch ang uunahin at hindi pagfe-Facebook.
  • Babawasan ang pagiging madaldal. Kilala na madaldal ang mga masscom students, hindi ko naman maitatanggi yun. Kasi kahit ako, living proof nun. Haha Basta kung hindi naman kailangang magsalita, tatahimik na lang ako. Bawas noise pollution na rin. lol

Yan ang mga gusto kong mabago sa mga nakagawian ko na. SANA lang talaga magawa ko yan. :)) Maging mabait sana sa’kin ang Second sem. :D

(Source: misterangelus)



#personal #college #ngayong second sem


Undas2011

Dito lang ako sa bahay ngayong undas. Hindi na kami sumama ng kapatid kong umuwi sa Bulacan para bisitahin yung puntod ng lola ko. Sila Papa at Mama na lang yung umuwi kahapon dun, tas ngayon andito na sila. :)

Tatlo lang kami dito sa bahay kahapon. Yung kapatid tsaka yung Kaibigan kong si Rey, dito ule sya natulog. lol Ampon na nga sya ni Mama e. Haha :D Pero umuwi rin sya kaninang tanghali kasi dadalaw sya sa puntod ng mama nya.

Bored na bored na ako dito. :/ Buti dalawang araw na lang, may pasok na. hehe May baon na ule. yehey!

(Source: misterangelus)



#personal


Kwento..

Na-busy ako sa paglilinis sa kwarto namin ng kapatid ko. Nalaman ko rin na ilang taon ko na palang minamahal yung mga basura ko dun. lol Mga testpapers, notebooks, visual aids, paperworks, etc. Basta lahat ng mga papel papel ko nung HS nandun. Nakalagay lahat yun sa paperbags pero ngayon ko lang napagtuon ng pansing piliin ung mga dapat itapon na. Yung iba dun nangupas na yung mga nakasulat sa papel sa sobrang tagal.

Nakita ko rin yung mga pagbabago sa sulat ko. At masasabi kong gumanda na ang sulat ko kumpara nung first year HS ako. Haha

Andun rin yung journal ko nung 2nd at 4th yr HS. Babasahin ko yun bago ako matulog mamaya. Aalahanin ko lang yung mga pinaggagagawa ko dati. May mga pictures din dun kaya mas okay. hehe Reminiscing..

Haha At eto pa, nakita ko dun yung letter na ibinigay sakin nung may crush sa’kin nung first year. lol Parang ang pogi ko naman nun. :D

Ayun, bukas yung closet ko naman ang haharapin ko. Para bago man lang magpasukan, may nagawa akong produktibo dito sa bahay. :)

(Source: misterangelus)



#personal


I can’t sleep. :l

(Source: misterangelus)





Ngayon na lang ule ako nakapag-update. Ang kupad kasi ng internet connection simula pa kahapon e. Buti na lang mabilis ngayon. :)) Tsaka busy din ako kahapon. Nagbayad ako ng tuition kasama yung kaibigan/kaklase kong si Rey. Tambay dito sa bahay pagkatapos. Eh inabot na sya ng gabi kaya dito na ule sya pinatulog ni Mama. Close naman sila ni Mama e, medyo madalas na kasi syang nakikitulog dito. Haha Dalawang kaibigan ko na ngayong college ang nakatulog dito sa amin.

(Source: misterangelus)



#Kamusta kayo? #personal


Anonymous said: hey. i'm going to take PUPCET. Can you please give me the things to review? thanks :))

As far as I remember, Language proficiency, general info, science, math yung mga exam dun. (Sorry, nakalimutan ko na kasi.) Pero mag-review ka  nang maigi sa General info. Ako kasi, dun nahirapan. :D Sukat ng great wall of China, asawa ni Queen Elizabeth blah blah blah. Ganyan yung mga tanong dun. Kung walking encyclopedia ka, swerte mo. :)

Goodluck sa exam. Lahat ng napag-aralan mo nung HS yung coverage ng exam. Alerto na lang sa oras.

Ay, tagalog ang sagot ko sa tanong mong Ingles. :))



SemBreak!

Kain. Tulog. Internet. Text.

Yan lang ata ang aatupagin ko ngayong Sembreak. lol. Okay sana kung may allowance pa din kahit SemBreak eh, kaso wala. Kaya taghirap muna. :D

Ang dami kong mamimiss sa school. Lalong lalo na yung mga kaibigan ko. Sila Rey, Pat, Cie, Jang. (at marami pang iba.

Sana hindi ako mabored ngayong bakasyon. :))

(Source: misterangelus)



#eh sembreak #wiiiiii